Pagsusulong sa RH Bill, may pag-asa kay Pangulong Noynoy

KUNG tapat si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa kaniyang pangako na ang taumbayan ang kaniyang boss,  dapat na maging isa sa kaniyang ‘legislative legacies’ ang pagsasabatas ng panukala sa reproductive health.

Ang Reproductive Health Bill ay tutugon sa problema ng bansa sa kahirapan, populasyon, pagkamatay ng ina at sanggol sa pangananak at iba pang mga kondisyon gaya ng pagkalat ng sakit na HIV-AIDS.

Sa isang press conference sa Senado na dinaluhan ng iba’t-ibang grupo na sumusuporta sa pagsusulong ng RH Bill, sinabi ni Dr. Junice D. Melgar, Executive Director, Likhaan Center for Women’s Health, Inc., nasa ika-10 taon na ngayon na ipinaglalabanan ng RH Bill advocates ang isyu mula noong 2001.

“Had these legislative proposals not been obstructed or duly delayed, a nationally funded RH law and program could have been enacted as early as 2004,” giit ni Melgar.

“10 years’ of delay had been deadly.  Please stop the further loss of peoples’ lives.  Certify as urgent the RH Bill,” ani Melgar.

Suportado din ng Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) foundation,  ang Senate Bill No. 2378 ni Sen. Miriam Santiago at Senate Resolution No. 238 ni Sen. Pia Cayetano.

Kabilang sa Reproductive Health ang tamang pagpaplano ng pamilya, pagbibigay ng kalayaan sa mag-asawa sa pagpili ng tamang paran ng pagpaplano at pangangalaga sa kalusugan ng isang ina.

“By giving preferential treatment to the poor in terms of access to reproductive health care services and information, it is made sure that even the poorest couples are able to meet their fertility goals.

By giving couples the correct information on and access to family planning, the measure to achieve a family size that they want and are able to support, therefore serving the welfare of the family by enabling parents to lead productive lives and keeping children from living a life of poverty,” ayon sa PLCPD sa pamumuno ni Director Dr. Ramon San Pascual.

Makasisiguro ang mga magulang na mahuhubog nila ang mga anak bilang mabubuting mamamayan ng bansa, maibibigay ang pangunahing pangangailangan at nagagabayan ng wasto.

RH Bill kasama sa 30 priority bills na posibleng maipasa sa 15th congress

Sa naturang pagdinig ng Senate Health and Demography na pinamumunuan ni Sen. Pia Cayetano,  nagpahayag ng kagalakan ang RH Bill advocates sa suportang ipinakikita  ni PNoy sa paninidigan nito na maisulong ang kontrobersiyal na panukala sa kabila ng pagkontra dito ng simbahang Katoliko.

Patuloy na kinukumbinsi ng PLCPD na maisabatas ang nasabing panukala.

Kung magtatagumpay ito, kasama sa mahigit 30 finalists sa priority legislative measures ng kongreso, makatitiyak ang responsableng pagbibigay serbisyo at pagpapakalat ng impormasyong pangkalusugan sa mga Pilipino partikular sa mahihirap sa malalyong lugar.

”The inclusion of reproductive health bill in the list, no matter how tentative, is an acceptance that RH is a policy requisite to attain sustained growth, effectively address poverty and achieve equitable development as envisioned by the Aquino administration,” ayon sa PLCPD executive director.

Kumpiyansa din si dating senador at ngayo’y Muntinlupa Rep.  Rodolfo Biazon na maipapasa ang RH Bill sa ilalim ng administrasyon ni PNoy.

Ayon pa kay Biazon, nasa 90 mambabatas  sa Mababang Kapulungan ang co-authored sa panukala at nasa halos 200 kapwa mambabatas nito ang nagpahayag na ng suporta mula pa noong 10th congress.

Kasama din sa bill proponents  si  Congresswoman Riza Hontiveros-Baraquel at dating Health Secretary Esparanza Cabral, pinakamatapang na naging kalihim ng ahensiya na naninidigan sa kaniyang ipinaglalaban.

Nabatid na sa pinakahuling survey, umabot na sa 82 porsiyento ng mga Pinoy ang sumusuporta sa RH Bill at karamihan dito ay mga Katoliko mula sa 72 porsiyento.

“I’m hoping that President Aquino will keep his promise during campaign period to support the reproductive health,”  ani Baraquel.

Iginiit ni Cabral,  na dati ding kalihim ng Department of Social Welfare and Development,  na dapat manindigan ang gobyerno sa paninidigan nito sa nasabing panukala sa pamamagitan ng pagtuturo sa publiko hinggil sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya.

Sa position paper ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), hinimok nito si PNoy na tuparin ang pangako na susuportahan ang RH Bill.

Magugunita na tanging si Pnoy lamang ang may malinaw na paninindigan sa isyu sa mga kumandidatong Pangulo ng bansa noong 2010 presidential election.

“If President Aquino is indeed supportive of the issue, he must show political will be including the RH bill in his priority policy agenda,”  ayon kay DSWP national chairperson Elizabeth Angsioco.

“Long deliberation on the measure is no longer necessary since the it has already gone through a decade of stakeholders’ consultations, public hearings, congressional debates and broad media coverage,” ani Melgar.

”The bill enjoys the broad support of women, youth, labor, business, academe, interfaith organizations, NGO community and even secretly by individual Catholic leaders. We don’t see any reason for delaying its passage,” dagdag pa ni Melgar.

Angkop na edad ng kabataan sa pagtuturo ng sex education

Naniniwala ang PLCPD na isa sa maituturing na pinakamalakas na punto ng RH Bill na tinatalakay sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay ang probisyon ng pagkakaroon ng ‘mandatory age-appropriate reproductive health at sexuality education.

Ito ang pagsisimula ng pagtuturo ng sex education.  Idiniin ng PLCPD na mas makabubuti na magbigay ng pormal na edukasyon sa paaralan.  Ito ang tamang panahon ng pagbibigay ng impormasyon at maturuan ang kabataan hinggil sa pakikipagtalik o pakikipagrelasyon.

Makabubuti ito kesa kung kani-kanino nakasasagap ng maling impormasyon ang kabataan mula sa kaibigan, sa mga taong hindi masyaddong kilala o sa media.

Kakayahan ng kabataan huwag maliitin—Marcos

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Health and Demography na inabot ng apat at kalahating oras, kasunod ng press conference sa Senado ukol sa pagsusulong ng RH Bill, naniniwala naman si Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dapat isama ang ‘Responsible parenthood, reproductive health, sex education o gawin itong  sentro ng kurikula sa high school at college at college.

“We should not under estimate the youth.  Sex education can give them some sense of relief.  It is liberating.  If they do understand, they can have a proper judgement for themselves,” diin pa ni Marcos, miyembro ng naturang komite.

‘Ignorance is deadly’

Tinukoy ng PLCPD na sa isang pag-aaral na isinagawa ng United Nations sa mga bansang may malinaw na programa sa youth sexuality education, napatunayan dito na, naitaas ang antas ng pang-unawa ng kabataan sa wastong kahalagahan ng pagtatalik; naaantala ang maagang paglusong sa sexual relations; naisasagawa ang pagpipigil (abstinence) sa pakikipagtalik bago ikasal; naiiwasan ang magkaroon ng iba’t-ibang kapareha; at naiiwasan din ang pagkakaroon o pagkakahawa sa nakamamatay na sakit gaya ng HIV-AIDS.

“In this day ang age, we know better to believe that ignorance is not a bliss.  Ignorance is also deadly.  This both go for both parents andchildren.  We also know better to accept that even if it is opposed for many reason, proper education or reproductive health and sexuality will do more good than harm,” pahayag pa ng PLCPD.

11-babae ang namamatay kada 24 na oras

Sa talaan naman ng Philippine NGO Council on Population, health and Welfare Inc., tinukoy nito na nasa 11 kababaihan ang namamatay kada 24-oras dahil sa mga kumplikasyon ng pagbubuntis at panganganak.

Isa ang Pilipinas na may pinakamataas na Maternal Mortality Rate (MMR) sa Asia.  Maiiwasan ito kung may tamang ‘access’ ang kababaihan sa reproductive health information at wastong pangangalaga sa kalusugan ng sariling katawan.

Ang Pilipinas din ang may mahigit sa 60 porsiyento ng may pinakamapanganib na pagbubutis base sa 2003 National Demographic and Health Survey.

Base sa 2006 Family Planning Survey, nasa 2.6 milyung kababaihan sa bansa ang nais na magplano ng kanilang pamilya subali’t walang kakayahan o access sa mga serbisyong pangkalusugan.

“The bill can prevent early pregnancies; unwanted pregnancies and abortion by helping reducing abortions by providing access to informations and services on modern contraceptive methods that in turn will reduce the number of unwanted and often aborted pregnancies in the country,” ayon sa PNGOC.

Naniniwala ang grupo na papel ng gobyerno ang magbigay ng mga programa ukol sa isyu sinoman ang nakapwesto sa Malakanyang, o mga opsiyal ng gobyerno o sa lokal na pamahalaan. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply