Pagtaas ng presyo ng Pinoy tasty, kinunsinti ng DTI

KINUNSINTI ng  Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo ng Pinoy Tasty bread sa pahayag nitong makatwiran ang ginawang
pagsirit sa presyo ng tinapay.

Batay sa pahayag  ni Trade and Industry Undersecretary Zenaida Maglaya, makatwiran ang P2.00 dagdag sa presyo ng Pinoy tasty dahil sa nakitang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing sangkap nito gaya ng asukal at mantika matapos pulungin noong nakaraang linggo ang mga nasa
sugar at cooking oil industry.

Iginiit ng opisyal na noong nakaraang taon pa aniya may kahilingan na itaas ang presyo ng Pinoy Tasty bread pero ipinagpaliban ito ng kagawaran dahil panahon ng kapaskuhan.

Inihayag naman ni Maglaya na agad ikinasa ng DTI ang mahigpit na pagmo-monitor sa mga maliliit na panaderya matapos makatanggap ng ulat
na ilan sa mga ito ang nagtaas ng presyo ng loaf bread ng hanggang P5.00. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply