Pajero, Ford expedition idadaan sa macro etching

POSIBLENG matukoy ng awtoridad ang may-ari ng Mitsubishi Pajero at Ford Expedition na narekober sa safe house na sinalakay sa Pampanga.

Ipinasusuri na ng Philippine National Police sa Land Transportation Office (LTO) ang 22-plate number na nakuha ng awtoridad sa safe house ng carnapping syndicate sa San Fernando, Pampanga nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa pahayag ni  PNP Chief Director General Raul Bacalzo, aalamin nila kung sinu-sino ang may-ari ng naturang plate numbers at kung lehitimo ang mga ito o peke.

Isa aniya sa mga na-recover na plate number ay maaaring sa kinarnap na Isuzu Alterra ni Monica Atienza ng Hagonoy, Bulacan.

Inihayag ni Bacalzo na kailangang i-macro etching ang dalawang sasakyan upang mabatid kung tugma o pinalitan ang chassis number at motor number ng mga nito. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply