Pakistan nilindol, 7.2 magnitude naitala

Niyanig ng lindol na may 7.2 magnitude ang southwestern Pakistan ,  umaga ng Miyerkules.

Nakasentro ang lindol sa lalawigan ng Baluchistan na naganap bandang 1:30 a.m., local time, na may lalim na 50 miles (84 kilometers).

Natagpuan ang epicenter nito sa  200 miles (320 kilometers) southwest ng Baluchistan capital ng Quetta,  ayon kay chief Pakistani meteorologist Arif Mahmood.

Nabatid na nakita ang epicenter ng pagyanig sa Dalbandin na may 15,000 ang populasyon.

Wala namang napaulat na nasirang ari-arian sa Dalbandin matapos ang pagyanig ngunit nagdulot lamang iyon ng  matinding takot sa mga residente.

Ayon sa isang local TV report, naramdaman ang pagyanig sa ilang mga lalawigan. Marami naman sa mga residente ng pinakamalaking siyudad na Karachi ang nagtakbuhan sa kalsada nang maramdaman ang paglindol.

Naramdaman din ang pagyanig na tumagal ng 20 segundo sa  Dubai sa United Arab Emirates at sa New Delhi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply