Palarong Pambansa palakasin

MAGIGING matagumpay umano ang Palarong Pambansa kung may kaukulang pondo na maaaring magamit dito, ayon sa Philippine Sports Commission (PSC).

Inamin ni PSC chairman Richie Garcia na kinukulang pa sa pondo ang tanggapan simula nang mailipat ang laro sa elementarya at sekondarya
sa Department of Education (Deped).

“Welcome sa amin ang pagtake-over sa Palarong Pambansa basta’t may kasamang pondo dahil sa ngayon aniya ay hindi sapat ang kanilang budget,” giit ni Garcia.

Ayon sa ulat, dapat ng paigtingin ang paghahanap ng mahuhusay at batang mga atleta sa pamamagitan ng Palarong Pambansa upang makapantay na ang Team Philippines sa mga magagaling at batang mga manlalaro ng ibang bansa.

Sinabi naman ng kritiko na panahon ng gibain ang napakaraming National Sports Associations at sa halip ang pag-ukulan ng pansin ay ang Palarong Pambansa.

“Private group ang NSA subalit kumukuha ito ng pondo sa PSC o sa gobyerno, dapat tanggalin na ito dahil isa itong ugat ng korapsiyon,” ayon sa isang kritiko na ayaw magpakilala

Dapat umanong ipaubaya na sa ibang grupo na nasa ilalim ng gobyerno ang pagdiskubre sa mga atleta upang huwag na tayong mapahiya sa paglalaro sa ASEAN games at ibang international competitions, dagdag
pa ng kritiko.

“Nag-aaway-away lang ang mga pinuno ng NSAs dahil nag-aagawan sila sa pondo na manggagaling sa PSC,” hirit pa ng kritiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply