Ona, Baldoz, kinalampag sa isyu ng trainee nurses

ISINULONG ng mga kongresista na ipatawag ang dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III upang makapagpaliwanag kaugnay umano sa talamak na pagpapabayad ng mga ospital sa mga nurses na nagnanais magkaroon ng working experience.

Ayon kina House Assistant Majority Leader at Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles at House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Iloilo Rep. Jerry Treñas, nakakabahala na ang reklamo laban sa mga ospital na namemera lamang umano sa mga nurses.

Binigyang diin ni Nograles na ang ginagawang ito ng mga ospital ay labag sa “cardinal principle” ng batas dahil pinagsasamantalahan nila ang mga nurses na desperadong magkaroon ng working experience.

“This is an immoral and unacceptable practice if indeed this is true. These hospital should even be giving them stipends for rendering service to them and not the other way around,” giit ni Nograles.

Kinalampag nina Nograles at Treñas sina Health Secretary Enrique Ona at Secretary of Labor Rosalinda  Baldoz na gumawa ng inisyatibo upang masawata ang mga ganitong iligal na gawain ng mga ospital.

“This practice is against declared public policy and public morals in our civil code on human relations because other on the job trainees in  other fields of endeavor do not pay the company or employers for earning job experience. These ojt’s are even given food and financial assistance. Why should nurses be treated this way?”ayon pa kay Nograles.

Sinabi pa ni Trenas na ang kaniyang komite ay magpapasimulang magsagawa ng imbestigasyon at kailangan aniyang magpaliwanag ukol dito sina Ona at Baldoz.

“Congress should  now step in to investigate the issue  with the objective of crafting a law that specifically prohibits the practice of charging fees from on-the-job-trainees, including those in the nursing profession,” paliwanag ni Trenas.

Ang hinala pa ni Treñas na ang mga ganitong ospital ay sigurado aniyang may mga medical schools din.

“We now have so many hospitals which also runs their own nursing and medical proper schools  so they are really raking in a lot of money because they have a labor force which even pays  just to be able to work for them. We have to put a stop to this kind of practice,” binigyang diin ni Treñas.

Maging ang Commission on Higher Education ay kinalampag ni Trenas na siyasatin namam ang mga  nursing schools sa bansa at ihinto na ang pag-iisyu ng permiso sa mga medical school na maraming estudyante ang bumabagsak sa board exams.

“We now have too much nurses who end up in call centers. I think that the CHED should now regulate the number of our nursing students,” sinabi ni Treñas. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply