Pamilya ng Baywalk Bodies member na si Rejoice Rivera, humihingi ng hustisya

HUMIHINGI ng katarungan ang pamilya, kaibigan at kamag-anak   ng Baywalk Bodies member na si Rejoice Rivera.

Natagpuan nu’ng December 29  ang  kanyang bangkay sa Tabang Exit sa NLEX.

Shout out sa Facebook ng bestfriend at co-member niyang si Kissa Kurdi:  “Dec 28 po nanood pa kami ng movie sa Trinoma.

Haayy!  di ko pa sya kayang tingnan. Hindi po sya na-rape. Dec.29  po nakita ang katawan nya. Two days na sya nasa  morgue … di lang agad na-identify dahil di namin agad naireport,” umiiyak niyang pahayag.  “Walang puso ang may gawa nito sayo!!! Hindi sya tao!!!”

Ayon sa manager niyang si Lito de Guzman,  isang tama ng baril sa sentido  (gilid ng mata tinamaan) tapos tumagos sa ulo. Nawala raw ito ng Miyerkules ng madaling araw bago natagpuan.

“Sobra ang gumawa nito sa kanya. Walang kaluluwa, walang puso sobra, Demonyo na ang gumagawa ng ganitong klaseng murder,” deklara niya.

“Ipinagdadasal ko na sana ‘ yung gumawa  ng ganito kay Rejoice, sasapitin din nila. Tripleng sakit pa sa naramdaman ni Rej at sa amin na naiwan  niya. Rest in peace ‘nak. mabait kang tao. You don’t deserve this.” dagdag pa ni Mother Lito.

Nakaburol ngayon si Rejoice  Rivera  aka  Dianne Marie Santos sa St. Peter Chapel Blue Cross Memorial Chapel, Blas Ople road, Malolos, Bulacan.

Wala pang lead kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ni Rejoice.

-0o0-

Na-stress si Tita Becky Aguila sa nakaraang kontrobersya ng  ‘Rosario’ sa nakaraang awards night ng MMFF.  Nasira nga ang  cellphone niya sa  dami ng tawag at text lalo na ang mga fans na ayaw tumigil sa kare-react lalo na sa mga negative na balita sa alaga niyang si Jennylyn Mercado. Nagising na lang siya na ayaw bumukas ang cellphone niya.

Ang ending, isang cell phone ang pasalubong ni Jen sa pagdating niya mula sa Hong Kong.

Gusto na lang burahin ni Tita Becky ang mga bangungot na dumaan sa kanya nu’ng 2010 at  bagong pag-asa ang tinatanaw niya ngayong 2011.

‘Yun na!

-0o0-

Matatapos na ang taon ay humabol pa sa hiwalayan ang very controversial pair na sina Arnell Ignacio at Suzuki Sadatsugo.

Kaya naman  laging nagsosolo na lang sa lakaran si Arnell. Dagdag pa ng aming source personal na desisyon daw ito ni Arnell na napuno na sa pagiging chickboy ni Suzuki.

Di na raw ma-take nito ang diskarte ng Japanese model/Actor kaya naman daw kahit masakit sa dibdib nito ay ito na daw ang kusang umiwas kay Suzuki. Mas bibigyang atensiyon na lang daw ni Arnelli ang kanyang dumadaming negosyo at deadma muna sa pag ibig .

Whew, mamatey?

-0o0-

Nakita namin ang  billboard ni Benjamin De Guzman sa Davao para sa ini-endorse niyang sabon. Sina Mariposa, Luningning at Milagring ang  unang nakapansin.

Nadiskubre namin na tinutukso-tukso pala si Benjamin  kay  Mariposa nu’ng magkasama pa sila sa P.O.5.

Natatawa lang si Mariposa dahil masyadong bata para sa kanya si Benjamin.

Anyway, masaya ang 2010 ni Benjamin na ngayon ay  mainstay ng top rating Teen Variety show ng ABS CBN ang “ Shoutout “. Marami raw blessings at project na dumating. May naiwan pa siyang show  sa TV5 na “ My Driver Sweet Lover “.

“ Happy ako ngayon sa ABS CBN kasi hindi nila ako pinababayaan, dito ko na-experience ‘yung grabeng workshops talaga para mahasa kung ano mang talento meron ka,” sey pa ng 2009 Best New TV Personality awardee ng Star Awards.

“ Naku, ayaw ko na lang po intindihin kung ano man ang sinasabi ng iba na kesyo wala raw akong utang na loob sa TV 5 na basta ko na lang iniwan at lumipat ako ng ABS CBN.

“Tumatanaw naman ako ng utang na loob sa TV 5 , lagi ko naming sinasabi na thankful ako sa kanila kasi sa kanila ako nag simula at naging maganda naman ang pakikitungo nila sa akin.

“ At hindi ko rin naman itinatago na sa kanila ( TV 5 ) ako nagkaroon ng kauna-unahan kong award mula sa PMPC`s Star Awards For Television sa kategoryang Best New Male TV Personality para sa Midnight DJ guesting ko” aniya pa.

Isa raw sa plano daw ni Benjamin  ay ang magbalik eskuwela ngayong 2011 at ipagpatuloy ang kanyang kursong Culinary Arts. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply