Pamilya ni Shalani, sinusuyo na ni Willie

MALAKAS talaga ang hatak sa masa ng drama series na Mara Clara ng ABS CBN na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Last night kasi ay nagpa-foot spa kami ng kumander kong si Maricris at hindi lang mga staff sa naturang foot spa ang aligaga sa panonood at kuwentuhan ukol sa naturang drama series, kundi pati mga customers din na matamang nanonood nito.

Noong una, akala ko’y ‘yung mga tsikiting ko lang at mga kabataang tulad nila ang laging tumututok sa Mara Clara, pero base nga sa nakikita ko kahit saan, talagang cross section ng society natin ang suking tagapanood ng Mara Clara. Kaya hindi kataka-takang laging taloang katapat na TV show nito, ang Grazilda ng GMA-7.

Actually, ang dinatnan naming palabas sa TV sa foot spa salon ay ang TV5’s Willing Willie nina Willie Revillame at Shalani Soledad.

Inilipat lang ng mga taga-foot spa ang palabas sa ABS CBN nang Mara Clara na. Nabanggit namin ito dahil ganoon din ang karamihan ng mga nakikita ko, pati na ilang relatives. Sa TV5 sila nanonood o sa cable, pero kapag Mara Clara na o Imortal na ay saka nila ililipat ang kanilang pinapanood.

Ganoon din sa bahay namin na Disney Channel o sa Cartoon Network nakatutok lagi ang mga anak ko, pero ‘pag Mara Clara na ay ililipat na nila ang TV.

Ganito kalakas ang Mara Clara kaya madalas na tambak na tambak sa ratings game ang manok ng Siyete. Katunayan, base sa January 7 ratings ay nakakuha ng 32.3% na rating ang nasabing ABS-CBN serye samantalang 19.5% lamang ang nakuha ng Grazilda. At sa lalo pang tumitinding iringan sa pagitan nina Mara at Clara ay tiyak na lalo pang ilalampaso ng Mara Clara ang Grazilda ng Kapuso Network.

Sa nakita nga namin sa teaser ng Mara Clara, matitinding sampalan at sabunutan ang matutunghayan. Masusugatan ni Mara (Kathryn) si Clara (Julia). Ganti nga ba ito ni Mara sa pasama na pasamang ugali ng kanyang itinuring na kaibigan na si Clara?

“Pagkatapos naming gawin yung mga eksena na nagsasampalan o nagsasabunutan, nagtatawanan kami pagkatapos,” kwento ni Kathryn.

“Syempre naman po hindi naman namin kasi naisip na gagawin namin ‘yun sa isa’t isa. ‘Di naman po kasi namin ‘yun magagawa sa tunay na buhay talaga. Hanggang television lang po iyon,” pahayag naman ni Julia.

Sa kabilang dako, sabay sa pagsama ng ugali ni Clara ay ang pagsama rin ng mga balak ni Gary (Jhong Hilario). Ano kaya ang kanyang mga susunod na hakbang?

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Mara Clara, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng Noah.

* * *

Speaking of Willing Willie, may mga nagtatanong sa amin kung bumibigay na raw ba kay Willie si Shalani?

Base kasi sa napapanood sa dalawa lately, talagang madalas ang palipad hangin ni Willie Boy sa ex-GF ni President Noynoy Aquino. Ang kaibahan lang ngayon, tila sumasakay o game na si Shalani sa mga ganitong style ni Willie.

May nagsasabi nga na may kilig factor na sa tandem ng dalawa. Iba kasi talaga sa diskartehan si Willie, lalo’t panay-panay ang suyo niya sa Konsehala on and off the camera. At balita namin, pati raw pamilya ni Shalani ay nililigawan ni Willie. Idagdag pa rito na lagi silang magkasama at hindi maitatanggi na nagpapagaling pa ng pusong nasugatan si Shalani, kaya eksakto at swak na swak ang pagdating ni Willie sa buhay ni Shalani.

Ang kailangan lang gawin ni Willie ay patunayan na hindi siya babaero at mas malamang na tuluyan nang bumigay at totohanin na ni Shalani si Willie. Nonie Nicasio

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply