Pamilya Singson tiwalang makakalaya si Rep. Ronald Singson

KUMPIYANSA ang pamilya Singson na makakauwi na sa bansa si Rep. Ronald Singson pagkatapos ng huling pagdinig sa kasong possession of illegal drugs sa Hong Kong bukas.

Ito ang inihayag ng pamilya ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.

Nabatid na kahapon pa nagtungo sa Hong Kong si Madam Evelyn at kapatid ni Ronald na si Racquel habang upang magbigay moral support sa mambabatas.

Naniniwala ang pamilya Singson na magiging patas ang paghatol sa kaso ng congressman lalo na at napatunayan na hindi gumagamit ng droga ang kongresista batay sa isinagawang lingguhang drug test.

Dagdag pa nito, ang pagiging negatibo umano sa drug test ng mambabatas ang magpapatunay na na-frame-up lamang ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply