Panaad Stadium pasado sa panlasa ng PSC at POC

NAKAPASA na sa pamantayan ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Commitee (POC) ang lighting facilities sa Panaad Stadium kung saan gaganapin ang laro ng Azkals at team Mongolia para sa Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup.

Iminungkahi lang ni POC Chairman Monico Puentevella na dagdagan pa ng ilaw ang Stadium upang masiguro na papabor na rin ang AFC organizers at ang Mongolia sa paglalaro sa stadium.

Ayon kay Puentevella, hiniling niyang dagdagan ang ilaw dahil bulung-bulungan na kulang ang liwanag ng ilaw ng Panaad Stadium para sa mas malinaw na TV coverage.

Tinatayang P6-M pondo ang gagamitin sa laro na mula sa PAGCOR ang hinihintay ng PSC at lagda na lang ni Pangulong Noynoy Aquino upang ma-release ang pondo.

Kaugnay nito, umaabot sa P2 milyon ang gastos sa paglipat ng ilaw mula sa Paglaum Sports Complex papunta sa Panaad Stadium at ang iba ay gagamitin sa accomodation.

Inaasahan na rin ang pagdalo ni PNoy sa naturang laro dahil ayon kay Puentevella ay pinadalhan na nila ito ng imbitasyon at may indikasyon na dadalo ang pangulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply