Pang-aabuso ng PNP sa bagansiya, tutuldukan ng Senado

Nais ng isang senador na tuluyan nang maiwasan ang pang-aabuso ng ilang tiwaling miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa bagansiya tulad nang nangyari sa isang babaing dinakip at ginahasa sa loob ng Manila Police Department (MPD) kamakailan.

Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, nararapat nang baklasin ang bagansiya sa code of crime ng bansa dahil ginagamit ng ilang tiwaling opisyal ang naturang kaso upang tudlain lamang ang mahihirap at walang kakayahan.

“Maliit na bagay o pagkakasala ang kawalan ng tahanan at hanapbuhay, kundi man lahat, at kaya hindi dapat paghaluin na may kasong krimen,” giit ni Escudero.

Dahil dito, inihain ni Escudero ang Senate Bill No. 2367 upang alisin na sa Revised Penal Code ang kasong bagansiya na palaging ginagamit upang pagsamantalahan at abusuhin ang sinuman na hindi kayang tumindig para sa kanilang sarili.

“Take the case of that woman who was arrested by a policeman for vagrancy. She was not even loitering, yet she was arrested. Now she’s crying rape by her captor”.

Tinutukoy ng senador ang kasong panggagahasa na isinampa laban kay PO3 Antonio Bautista ng isang babaing inaresto sa kasong bagansiya.

Sinabi ng biktima na inaresto siya ni Bautista habang hinihintay ang kabiyak para magsimba. Dinala ang biktima sa MPD, kinuha ng pulis ang kanyang salapi na nagkakahalaga ng P4,000 saka umano minolestiya sa isang kuwarto.

“This is a clear case of using the anti-vagrancy law as an opportunity for erring authorities to mulct money from and take advantage of people. Strike this provision out and we will be rid of ugly incidence such as this one brought by that abusive policeman,” giit ni Escudero.

Kasabay nito, hinamon ni Escudero ang pamunuan ng PNP na arestuhin kaagad si Bautista upang maipakita sa taumbayan na kaya at madadakip nila kahit kasamahan sa puwersa. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply