Pang-aabuso sa presyo ng produktong petrolyo, sisilipin ng DOE

SISILIPIN ng Department of Energy (DoE) ang posibilidad na pang-aabuso sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Kasabay nito ay hihigpitan ng DoE ang pagmo-monitor sa panibagong oil price hike sa araw na ito.

Ayon kay Energy secretary Jay Layug, nais nilang matiyak na walang mang-aabuso sa pagtaas sa bentahan ng oil product

Nanawagan din si Layug sa publiko na makipagtulungan sa naturang ahensya sakaling may makitang pag-abuso sa bentahan ng oil product.

Nakatakda namang magtungo sa Saudi Arabia si Layug upang umapela sa mga bansang  nagpo-produce ng langis para mataasan ang kanilang produksyon.

Ang hakbang ni Layug ay bunsod nang patuloy na pagsirit ng halaga ng krudo sa world market dahil sa mataas na demand.

Sinabi ni Layug na dadalo sa oil minister’s summit ang iba’t ibang mga bansa na apektado ng oil price hike para pakiusapan ang OPEC na taasan ang produksyon ng langis habang aapela sila sa Chine para kontrolin ang pag-aangkat ng langis. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply