Panibagong bawal na gamot, ibinabala ng PDEA

NAGBABALA ang Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa publiko sa panibago na naman ipinagbabawal na gamot na napabilang na sa dangerous base sa ipinalabas na regulasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Ayon kay PDEA Director General/ Undersecretary Jose Gutierrez, Kr., napabilang na dangerous drug ang Nalbuphine simula January 28, 2011.

Sinabi sa ulat ang Nalbuphine Hydrochloride  ay synthetic opioid na ginagamit sa pain medications. Ito rin ay analgesic potency at ikinakategorya  na katulad ng Morphine, Demerol, Pethidine or Codeine.

Ang lahat ng importers, manufacturers, wholesalers/distributors/traders at retailers ay pinapayuhang irehistro at aplayan muna ng lisensya bilang  Compliance Service (CS) ang naturang gamot.

Dagdag ng PDEA, ang nasabing gamot ay hindi mabibili over the counter kung walang kaukulang reseta mula sa doktor. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply