Panibagong oil price hike ipinatupad ngayon

HINDI pa man naka-aahon ang mamamayan sa sunud-sunod na pagtaas ng tinapay, toll fee, pasahe sa MRT-LRT, nagpatupad naman ng panibagong pagtaas ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang  kumpanya ng langis sa bansa ngayong Miyerkules.

Nagdagdag ang Petron Philippine ng piso  kada litro  sa diesel samantala P0.75 sentimo naman sa gasolina, epektibo  6:00 ng umaga.

Karagdagang P1.00 kada litro ang itinaas ng Pilipinas Shell sa kanilang diesel at kerosene habang P0.75 sa gasolina.

Piso naman ang itinaas ng kada litro ng gasolina ng Eastern Petroleum habang P0.75 sa diesel at kerosene.
Ang panibagong  pagtaas sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paglobo ng presyo ng bentahan sa international market.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ng Energy Department ang  naturang oil companies sa kanilang price adjustment kung kailan noong nakaraang linggo ay nagpatupad din ito ng singkuwenta sentimong oil price hike. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply