Panukala inihain laban sa mga kaskaserong driver

TULUYAN nang naantig ang isang senador sa sunod-sunod na aksidente sa lansangan kaya’t naghain ito ng isang panukalang batas upang tuldukan at igarahe ng mahabang panahon ang mga kaskaserong drayber.

Kahapon, inihain ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Senate Bill No. 2095 na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang sinumang drayber na masasangkot sa puwedeng iwasang aksidente na sanhi ng pagiging kaskasero sa pagmamaneho.

Sa kanyang panukala, makukulong ng hindi hihigit sa 20 taon ang drayber na makakapatay sa isang aksidente.

Ayon kay Escudero, kailangan nang patawan ng mabigat na parusa ang ganitong insidente upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay ng mga inosenteng pasahero at pedestrian.

“Dapat nang magsilbing babala sa mga driver ng pampublikong saksakyan na mahilig makipaglaro kay Kamatayan na imbes naging maingat sa pamamasada, nagiging kaskasero na naglalagay sa panganib sa kanilang mga pasahero,” paliwanag ng senador.

Nitong nagdaang araq, inararo nang matulin ng Gasat Express ang isang pampasaherong jeep sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Batangas, kung saan pitong mag-aanak na sakay ng jeep ang namatay at apat pang iba ang nasugatan.

Nito lamang Disyembre, isang dating judge at ang misis nito ang napatay matapos banggain ng nangangarerang bus sa Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ernie Reyes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply