Parang Ginebra at SMB na raw ang may-ari, teams bibitiw na sa PBA

HABANG maaga pa, kumilos na! Ito ang panawagan ng concerned athletes at sports analysts sa board of governors ng Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa mga trades na labag di-umano sa itinatadhanang mga alituntunin ng liga.

Naniniwala din ang mga sports analysts na babagsak ang liga at tuluyan na itong mabubura kung magpapatuloy umano ang mga iligal na transaksiyon o hindi makatuwirang palitan ng mga atleta.

Payag naman ang ilan na magkaroon ng trades ang magkapatid na koponan dahil karapatan ito ng PBA teams subalit dapat umanong ikasa nang patas.

“Dapat lang nilang payagan ang ganyan. Pero parang naiimpluwensiyahan na ang PBA officials. ‘Di natin alam kung para sa mga atleta sila o para sa mga negosyante,” ayon sa isang source.

Kasabay nito, binigyang diin ng source na kung hindi naman titigil ang mga umano’y hindi patas na trades ay higit pang hihina ang pundasyon ng iba pang mga koponan at lalo na ang PBA.

“Ang PBA ay para sa mga teams, mali ‘yung may pinapaboran sila. Papaano titindig ang liga kung iisa lang kakatigan ng board o ang matibay na team tulad na lamang ng Ginebra at SMB, na nagsasalitan lang ng kampeonato. Ngayon naman, ang TNT, mukhang lumalaro na rin,” pahayag ng source.

“Kaya, kung gusto nilang tumagal pa ang PBA, dapat pagbigyan nila ang iba. Parang SMB at Gin na tuloy ang may-ari ng liga. Iba ang tinitingnan nila sa tinititigan?” Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply