Pardon para sa ‘Abadilla 5,’ isusulong ng DOJ

BALAK isulong ni Department of Justice Secretary Leila de Lima ang pagrekomenda na mapagkalooban ng “presidential pardon” ang limang nahatulan sa pagpatay kay dating Col. Rolando Abadilla na mas kilala sa bansag na “Abadilla Five.”

Setyembre ng nakaraang taon nang katigan ng Korte Suprema ang hatol na “guilty” ng Quezon City Regional Trial Court laban kina SPO2 Cesar Fortuna, Rameses de Jesus, Lenido Lumanog, Joel de Jesus, at Augusto Santos.

Nakabinbin ngayon sa korte ang inihaing motion for reconsideration ng depensa kaugnay ng nasabing desisyon.

Nitong Martes, personal na dumulog si Fr. Robert Reyes sa tanggapan ni De Lima para hilingin ang tulong nito sa isinusulong nilang torture case laban sa 20 pulis na umano’y nagpahirap sa limang akusado para piliting paaminin sa krimen.

“The human rights community believes they are fall guys. I might recommend a conditional pardon,” ani De Lima.

Sinabi ng kalihim na posibleng makatulong ang pagsusulong ng torture case laban sa mga pulis para mabaligtad ang naunang pasya ng Korte Suprema laban sa Abadilla Five.

Posible umanong conditional pardon ang kanyang irekumenda para sa Abadilla Five dahil sa pambihirang pagkakataon lamang ipinagkakaloob ang absolute pardon.

Si Abadilla ay napaslang habang binabagtas ang kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City noong June 13, 1996. Teresa Tavares

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply