Parusa sa 5 Comelec officials, pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (CA) ang utos ng Office of the Ombudsman na naglalagay sa limang opisyal ng comelec sa preventive suspension nang walang sweldo.

Ito ay kaugnay pa rin ng P690-million ballot secrecy folders scam na kinasangkutan ng ilang opisyal ng poll body.

Sa 12-pahinang decision ng CA Special Fifteenth Division, ibinasura ang petisyon nina Ma. Leah Alarkon, Francis Abaya, Norina Tangaro-Casingal, Martin Niedo at Antonio Santella na mga dating myembro ng Bids and Awards Committee ng Comelec dahil sa kawalan ng sapat na merito.

Sinabi sa desisyon na walang naging pag-abuso sa kapangyarihan sa panig ng ombudsman ilabas nito ang nasabing kautusan.

Ipinaliwanag ng CA na ang preventive suspension ay hindi penalty at ginagawa lamang ito hangga’t hindi pa tapos ang imbestigasyon ng ombudsman.

Una nang inirekumenda ang lima na makasuhan ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, Dishonesty, Gross Neglect of Duty, Grave Misconduct, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Matatandaan na una nang naging kontrobersyal ang kaso matapos mabuking na overprice ng daan daang milyong piso ang ballot secrecy folder na pinasok ng comelec sa kumpanyang OTC paper supply. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply