Pasahe sa LRT libre bukas

LIBU-LIBONG pasahero ang makikinabang bukas bilang paggunita sa araw
ng selebrasyon ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila

Bukod sa libreng sakay, sinabi ni Light Rail Transit (LRT)
Administrator Rafael Rodriguez na maglalagay din sila ng karagdagang
biyahe sa LRT-line 1 na patungo  sa Rooesvelt Avenue-Baclaran.

Magkakaroon din umano sila ng additional na ticket booth upang
mabilis na maserbisyuhan ang mga dadagsang pasahero na dadalo sa Pista
ng Nazareno

Sa kasalukuyan, nakahanda na rin ang  mga medical at public assistance
personnel upang matiyak ang seguridad ng mga magtutungong deboto.

Matatandaang noong nakaraang taon (2009) nakapagtala ang LRT ng pinakamaraming
pasahero na tinatayang aabot ito sa mahigit na 500,000.

Kasabay nito nanawagan din si Rodriguez sa publiko na unawain ang fare
hike dahil ilalaan din naman ito para i-maintain ang LRT at MRT na
paboritong gamitin ng mga mananakay.

Muling iginiit  ni Department of Transportation and Communications
Sec. Jose “Ping” de Jesus na malalayo sa air conditioned bus ang
pasahe sa Light at Metro Rail Transit. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply