Pasaway na bus drivers, bibigyan ng training

NAKATAKDANG magpulong ngayong Enero ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Department of Transportation and Communications (DOTC) para ilatag ang sasaklawin ng training program para sa mga drayber ng pampublikong bus.

Malaki ang paniniwala ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Nelson Laluces na magkakaroon ng ligtas na transportasyon kung sasailalim sa pagsasanay ang mga drayber ng pampublikong bus.

Ayon kay Laluces, ito na ang panahon para palawigin ang kanilang kaalaman sa disiplinadong pagmamaneho kasunod ng mga bus accidents sa mga nagdaang araw.

Ayon naman kay TESDA director general Joel Villanueva, ang kanilang hakbang ay pagtugon sa kahilingan ng DOTC na sertipikahan ang 50,000 bus at truck drivers sa buong bansa sa loob ng dalawang taon.

Sesentro ang pagsasanay sa technical assistance kaugnay ng tamang pagmamaneho at disiplina sa kalsada. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply