Pasay mawawalan ng tubig

MAWAWALAN ng supply ng tubig ang ilang parte ng Pasay City sa darating na Martes at Miyerkules sa susunod na linggo bunsod ng pag-aayos ng mga pipe network ng Maynilad.

Batay sa advisory ng Maynilad, magsisimula ang pagkawala ng tubig bandang 10 p.m. sa Enero 11 at magtatapos bandang 10 a.m. sa Enero 12.

Papalitan ang mga 400-mm butterfly valve at magsasagawa ng closed-circuit television (CCTV) inspection sa 600-mm main line sa Arnaiz, kanto ng Tramo Streets sa Pasay City.

Maaapektuhan ang ilang parte ng Brgy. Sta. Clara, buong Brgy. ng  San Roque, at ilang parte ng Brgy. San Rafael.

Pinapayuhan ang mga consumer na mag-ipon ng sapat na tubig para sa mga oras na mawawalan ng supply.

Maaari ring tumawag ang mga maaapektuhan sa Maynilad Hotline na may numerong 1626 para sa karagdagang impormasyon at updates. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply