Pasay City Vendors nagprotesta laban sa city treasurer

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang mahigit sa 100-stall owners ng Pasay City Public Market para kondenahin ang City Treasurer na nagdidikta umano ng kanilang bayarin sa permiso sa pagtitinda sa palengke.

Ayon sa mga market vendors, diniktahan umano sila ng City Treasurer na bayaran ang P800,000 para sa pagpoproseso ng kanilang Mayor’s permit.

Batay sa reklamo ng mga tindera, nitong nakaraang taon, nagbabayad sila ng halagang P260,000 annual permit pero iginigiit ng City Treasurer na bayaran ang itinakdang bayarin sa halagang P800,000.

Bukod sa napakataas na itinakdang bayarin na hindi umano nila makayanan, kinuwestiyon ng mga market vendors ang dating nakonsumong electric at water bill na muling pinababayaran sa kanila.
Ayon pa sa mga vendors, mayroon umano silang pinanghahawakan resibo na nagpapatunay na nabayaran na nila ang panibagong sinisingil sa water at electric bill.

Ang mga stall owners na lumusob sa harap ng city hall Martes ng umaga ay binubuo ng meat, fish, vegetable at ibang sections.

Samantala sinabi ng naman ni Pasay City Mayor Antonino Calixto na gagawan niya ng paraan upang maayos ang record ng mga stall owners.

Ang paghihigpit umano ng lokal na pamahalaan sa mga tax payers ay upang maiwasan ang pamamayagpag ng sindikato sa loob ng tanggapan ng treasurer na halos daan-daang milyon ang nawawala sa kaban yaman na umano’y kinurakot ng  nakalipas na administrasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply