Paslit dinukot sa Iligan, 3 suspek agad naaresto

ARESTADO ang tatlong umano’y kidnapper makaraang lumipas ang ilang oras sa pagdukot nila sa isang 11-anyos na babae sa Iligan City, habang matiwasay na nailigtas ng mga awtoridad ang biktima.

Ayon kay Philippine Army 1st Infantry Battalion Commander Colonel Noel Coballes, nahuli sina Camille Esmael, Macoy Panguntara at Junior Panda makaraang itakbo ang bata sa harap ng isang restoran sa Iligan City.

Nabatid na tinangay ang paslit sakay ng isang berdeng Toyota FX at dinala sa Brgy. Bualan, Balindong, Lanao del Sur.

Ayon pa kay Coballes, nasakote ng mga tauhan ng Army 54th Infantry Battalion ang mga suspek at ipinasa sa Iligan City Police. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply