Paslit pisak sa truck ng basura

PISAK ang isang dalawang taon gulang na babae makaraang masagasaan ng truck ng basura sa Quezon City, kaninang umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Kyla Nichol Miranda, ng Phase 8 Nortth Fairview Draftma st., nasabing lungsod .

Agad namang sumuko ang driver ng truck sa himpilan ng traffic sector 5 na si si Jose Elmo Monteverde Albano, 43, ng Payatas Aea B-group 9 .

Sa ulat ni PO2 Allen Paul Lorendo ng traffic sector 5, Quezon City Police ,naganap ang insidente pasado 10:30 ng umaga sa may Phase 8 North Fairview Draftma st. Quezon City.

Nabatid na umaapaw sa basura ang truck na minamaneho ng akusado (UMG 919) ng Amerson trucking nang magulungan ang paslit.

Lumitaw sa pagsisiyasat na habang binabagtas ng akusado ang kahabaan ng Draftma st. Fairview patungo sa Yuhan st., nang biglang tumawid ang dalawang bata mula sa kaliwa na may bitbit na basura para itapon sa bakanteng lote.

Dahil sa nauna sa pagtawid ang paslit, siya ang nagulungan ng kaliwang unahan gulong ng nasabing truck hanggang sa pumailalim sa truck at mapisak.

Ayon sa driver ng truck ,hindi niya napansin ang bata, nalaman na lamang  niya na kanyang nagulungan ang biktima nang makarinig siya ng mga taong sumisigaw”may bata nasagasaan mo “.
Sinabi pa ng akusado sinubukan  niya na itakbo sa hospital ang bata pero agad siyang sinalubong ng mga kaanak, kaya nanatili na lamang siya sa loob ng truck.

Nakapiit ngayon  ang akusado at nasa impounding area ng traffic sector 5 Quezon City Police ang truck na loaded ng basura.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver ng Amerson trucking. James de Jesus

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply