Pasyente ng Center for Mental Health nagbigti

PATAY na nang madatnan ng isang nars ang kanyang pasyente sa National Center for Mental Health, makaraang magbigti sa Mandaluyong City.

Kinilala ang pasyente na si Daniel Aresgado, 28, ng Parañaque City, ipinasok sa center nitong Linggo lamang makaraang makaranas ng “undifferentiated shizophrenia”.

Sa ulat ng hepe ng Investigation Division ng Mandaluyong City Police na si Senior Police Officer 4 Reyminigildo Suarez, natuklasan ng isang nars ang nakabiting katawan ng biktima na nakabitin sa bintana ng kwarto nito, 5 ng umaga ng Martes.

Isang opisyal naman ng center na tumangging magpakilala ang nagsabing hindi naman nila kinakitaan ng kakaibang kilos ang biktima bago ang insidente. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply