Patay sa baha, landslides, 57 na; 32 pa nawawala

UMAKYAT NA sa 57 ang bilang ng taong namamatay sa pagbaha at landslides dulot ng patuloy na pag-ulan simula pa noong Disyembre 29, 2010 dahilan sa hanging amihan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Miyerkules, Enero 19, 10 na ang namamatay sa Region V; dalawa sa Region VI; apat sa Region VII; 15 sa Region VIII; isa sa Region X; lima sa Region XI; at 20 sa CARAGA.

Sampu naman ang kabuuang bilang ng nasakatan – walo sa Region VIII at dalawa sa Region XI.

Umakyat naman sa 32 ang bilang ng nawawala – lima sa Region IV-A; 23 sa Region V; dalawa sa Region XI; at dalawa rin sa CARAGA.

Umakyat na rin sa 323,149 ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 1,650,754 katao sa 1,823 barangays sa 162 munisipalidad at 17 siyudad sa 25 probinsiya sa Regions IV-B, V, VI, VII, VIII, X, XI, XII, CARAGA, at ARMM.

Nasira din ng baha at landslides ang 2,430 kabahayan – 437 dito ang nawasak, 1,993 ang partially damaged.

Samantala, P1.34 bilyong halaga na ng imprastruktura ang nasira kabilang ang mga pasilidad sa Regions V, VIII, IX, XI at CARAGA.

Sa agrikultura, P422,228,540 na ang naitalang danyos sa mga taniman at iba pang gamit sa bukid na karamihan ay sa Regions V, VIII, IX, XI at CARAGA.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply