Patay sa nakaraang landslides at baha, 60 na

UMAKYAT na sa bilang na 60 ang namamatay sa nakaraang pagragasa ng baha at landslides sa Bicol, Visayas at Mindanao noong mga nakaraang linggo.

Batay sa 6 a.m. update ng National Disaster Risk Reduction and Management  Council, nakilala ang nadagdag na nasawi na si Bunoy Pera, 40, ng Sta. Elena, Camarines Norte, isang mangingisda. Nabatid na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay nito.

Napaulat din na nawawala ang isang mangingisda na si Benjamin Pisit ng Mercedes, Camarines Norte. Naitala naman na 27 pa rin ang hinahanap magpahanggang ngayon.

Kaugnay nito, nabatid na 10 ang nasugatan sa nasabing kalamidad.

Batay pa rin sa ulat ng NDRRMC, may 347,744 pamilya o kabuuang 1,773,331 katao na ang apektado sa  1,946 barangay sa iba’t ibang bayan ng 25 lalawigan.

May 12,253 pamilya  naman ang nasa kanlungan ng may 72 evacuation center.
Samantala, nakaamba pa rin ang posibleng pag-ulit ng baha at ulan sa Eastern Luzon at Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said Thursday.

Nabatid sa PAGASA na nararanasan pa rin ang northeast monsoon sa Northern Luzon kung saan apektado ng malakas na hangin ang Central at Southern Luzon.

“Luzon, Visayas and Eastern Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over Eastern Luzon and Eastern Visayas which may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA.

Magiging maulap naman ang papawirin ng iba pang parte ng bansa na may kasamang pag-ambon , pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply