Patay sa pagbaha at landslides 47 na; kalamidad posibleng maulit

UMAKYAT na sa 47 ang namamatay sanhi ng nakaraang landslides at pagbaha na tumama sa Bicol, Visayas at Mindanao.
Galing ang mga nadagdag na nasawi sa Western Visayas.

Samantala, nagbabala naman ang mga weather forecaster sa posibleng pag-ulit ng kalamidad sa parte ng Quezon province at ng Bicol region.

“Central and Southern Luzon, Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and isolated thunderstorms becoming cloudy with widespread rains over the Bicol region and the province of Quezon which may trigger flashfloods and landslides,” ayon sa 5:00 bulletin report ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, bunsod ito ng Northeast Monsoon na mamamataan sa  Northern and Central Luzon, at ang tail-end ng cold na nakaaapekto naman sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa  6 a.m. update ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga nasawi ay galing sa Catanduanes, Sorsogon at Camarines Sur sa Bicol; at Negros Occidental sa Western Visayas.

Nakilala ang mga ito na sina  Ricky Villar, 28, ng Payo, Panganiban, Catanduanes;  Armando Mallete, 51, Castilla, Sorsogon (nalunod);  Chen Te Hao, 37, Lagunoy, Camarines Sur (nasawi sa landslide);  Amelyn Logronio, 9, Bacolod City (nalunod); at  Jose Anonas, 37, EB Magalona, Negros Occidental (nakuryente).

Si Villar ay kasama sa mga mangingisda sa Catanduanes na napaulat na nawawala.

Apat na lamang ang naitalang nawawala na nakilalang sina Ronnie Jupson, 19, ng Bunawan, Agusan del Sur; Bicol fishermen Patricio Peregrino at Joseph Soledad ng Panganiban, Catanduanes; at Bartolome Rabonque, 57, ng Esperanza, Agusan del Sur.

Batay NDRRMC, 268, 079 na ang naaapektuhang pamilya sa nasabing kalamidad o may kabuuang 1,388,830  katao sa may 1,471 barangay sa 147  bayan, sa 25 probinsya.

Nananatili naman ang may 3,733 pamilya sa mga evacuation center. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply