Patay sa sumabog na bus, 5 na

UMABOT  na sa lima ang nasasawi sa sa pagsabog ng Newman Goldliner aircon bus sa North-bound lane ng EDSA Buendia Avenue, Makati City kahapon.

Ayon sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Nicanor Bartolome, nasawi bandang 2:00 ng madaling-araw kanina sa Makati Medical Center ang isa sa mga biktima na si Irish Teniola na isang call center agent.

Kabilang din  sa mga namatay sa pagsabog ay  sina Johanson deleon Reyes, Shirley Khristel Hausena Andes, Salustino Marino.

Kinilala na rin ni Philippine National Police (PNP) Southern Police District (SPD) Director Chief Superintendent Jose Arne delos Santos ang isa pang nasawi na nauna nang hindi makilala na si Jhonlie Daquiaog.

Inihayag din ni Bartolome na lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na 81mm mortar na may blasting cap at cellphone bilang triggering device ang ginamit na improvised explosive device sa insidente.

Sinabi ni Bartolome na iniimbestigahan na nila kung anong grupo ang gumagamit ng ganitong uri ng pampasabog para matukoy ang motibo ng mga ito.

Batay naman sa pahayag ni Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, posibleng terorismo o distabilisasyon ang naganap na pagpapasabog sa bus dahil itinaon ito
sa kaarawan ni dating Pangulong Corazon Aquino kahapon .Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply