Patriots cagers “sinabon”

LUMITAW ang pagkadismaya ng mga co-owners ng Air Asia Philippine Patriots sa hindi kagandahang laro ng defending champion team sa pagkatalo sa Chang Thailand Slammers sa double overtime game na ginanap sa Bangkok, Thailand.

“I was so dismayed with the way they played against the Slammers. We were definitely outplayed, outhustled ang outrebounded,” ayon kina Mikee Romero na sinang-ayunan ni Tony Boy Cojuangco.

Hindi kinakitaan ng sigasig ang Patriots na kabalintunaan sa pagkakakilala sa kanila na isang never-say-die team.

Nagpahayag ng pagkabahala sina Romero at Cojuangco na mahihirapan silang mapanatili ang korona kapag hindi makapagpapakita ng ibayong galing sa final 4.

Binigyan diin ni Romero na hindi ordinaryong torneo ang Asean Basketball League dahil ang karangalan ng bansa ang nakataya sa torneo.

Pinasaludo ng Slammers ang Patriots noong Linggo sa iskor na 83-76 sa overtime period na nagpalagapak sa RP Team sa second position tangan ang 8-5 slate habang napanatiling hawak ang tuktok ng 6-team compositon ng Thailanders na hawak ang 10-3 win-loss record.

Bukod kina Egay Billones na nagtop score sa 23 puntos at sa dalawang recruits na sina Gabe Freeman (20) at Steve Thomas (14) ay “sinabon” ang mga manlalarong Pinoy sa walang sigasig na ipinakita sa paglalaro. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply