Patriots iniingatang malaglag ang korona

NANGANGANIB na malaglag ang korona ng Air Asia PH Patriots kasunod ng pagsaludo sa Westports Kuala Lumpur Dragon sa 92-94 sa larong ginanap mismo sa balwarte ng Patriots sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tulad ng kaalatan ng tropa ni coach Louie Alas, pinatumba rin ng Satria Muda Britama ng Indonesia ang nasa top of the standings  na Chang Thailand Slammers 91-68 sa homecourt ng Indonesians sa Jakarta.

Sa isang analisis, na kapag natapos ang elimination phase na magkapantay ang Dragons at Patriots ay magkakaharap ang dalawang team para basagin ang pagkakatabla tungo sa pagsabak sa Slammers sa best-of-three, home and away na laro.

Subalit matatag ang loob ng Patriots coaching staff na kakayanin nilang makapasok sa finals.

Bubuwelta ang Patriots laban sa Satria Muda sa Sabado sa Jakarta habang hangad naman ng Satria Muda (6-8) na masungkit ang huling slot ng semi-finals na tangan ng Singapore Slingers (7-7).

Samantala magaan ang laban ng Dragons kontra Brunei Barracudas (3-10) sa laro sa Brunei na nakatakdang idaos sa huling linggo ng buwan. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply