Patrombon wagi ulit sa Aussie open

DINAGA muna sa dibdib si Jeson Patrombon bago naitala ang isa pa niyang panalo sa 2011 Australian Open Juniors Championship sa Day 2 ng first Grand Slam tournament sa Melbourne Park sa Melbourne, Australia matapos magkaroon ng pulikat sa hita ang kalabang Serbian.

Si Patrombon, na kakukuha lang ng maiging postura sa deciding third set, ay pinadapa si Miki Jankovic matapos sikwatin ang 7-6 (4), 4-6, 6-3 win sa boys’ singles para makaabante naman sa third round.

Nabatid na si Jankovic, na nakababatang kapatid ni dating world number 1 Jelena Jancovic, ay maaaring natuto sa kanyang nakaraang pagkatalo ni Patrombon sa French Open noong Hulyo ng nakaraang taon, kung saan nangibabaw ang Pinoy sa straight sets, 6-3, 6-1.

Nang humataw ang kalabang Serbian sa final set ay nakaganti naman agad si Patrombon nang magkaroon ng cramps sa hita ang katunggali.

“The third set was where our extra physical training paid off. Jeson was totally unaware of what was happening to his opponent, so I signaled to him that Miki was cramping up on the left leg.
This is difficult because when you are serving, you put your entire weight into the left leg when you spring up to the ball,” ayon sa coach ni Patrombon na si Manny Tecson.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply