PBL balik-aksiyon sa Pebrero 26

MULING sisipa ang panibagong season ng Philippine Basketball League (PBL) sa February 26.

Ayon kay Gene Alabanza, team manager ng regular team na Pharex, anim na koponan ang maglalaban-laban sa liga.

“We have six teams competing, and we’re very happy that a new season will finally push through. Medyo matagal rin kaming nawala,” pahayag niya.

Dagdag ni Alabanza, si Nolan Bernardino, anak ng yumaong dating Philippine Basketball Association commissioner Emilio “Jun” Bernardino, ay naitalaga na ring bagong league commissioner.

“Nolan’s group, Sports Vision, is also the one managing the league. We still don’t have a broadcast network that will cover the games, but the important thing is we’re on the go,” wika ni Alabanza.

Maliban sa Pharex, kabilang sa mga lalaban ang Cobra, Ani-FCA, Hobe-Bihon, Excelroof, at Café France. GP/RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply