PDEA may bago ng hepe

MAY bago nang hepe ang Philippine Drug Enforcemwent Agency (PDEA).

Si Retired Police Gen.Sonny Gutierrez ang itinalagang bagong hepe ng PDEA matapos itong humalili kay ex-Gen Dionisio Santiago bilang bagong Undersecretary ng PDEA.

Ayon kay PDEA spokesman Derrick Arnold Carreon,bumisita na sa PDEA national office si Gutierrez pagkatapos ng pasko at nagkausap na sila ni PDEA Director Gen. Dionisio hinggil sa transition.

Sinasabing si Gutierrez ang napili ng Malacañang na ipalit kay Santiago subalit wala pang petsa kung kailan ang formal turnover.

Si Santiago na kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1970 ang ikalawang director general ng PDEA mula noong 2006, habang si Gutierrez  naman ay dating Director  ng Southern Police District at kabilang sa PMA class 1973.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply