Pedicab driver, binugbog na, binoga pa ng pasahero, todas

PATAY ang 18-anyos na pedicab driber matapos bugbugin at barilin  ng kanyang pasahero sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Darren Villanueva, 1878 Pintong Bato Singalong St, Paco Maynila na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilala lamang sa alyas Embet Aurique, ng Meding st. Paco, Maynila.

Nabatid kay P/Insp.Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, una na umanong binugbog ng suspek ang biktima umaga ng araw ng krimen at pagsapit ng gabi ay binalikan nito ang biktima saka binaril.

Sinabi ni SPO2 Henry Ignacio, imbestigador ng MPD-HS, naganap ang insidente dakong 7:30 ng gabi sa Quirino Avenue at San Andres st., Malate, Maynila, kung saan nakita ng testigong si Jesus Borlado, na sumakay ang suspek sa pedicab ng biktima.

Nakita rin umano na nagkasagutan pa ang dalawa,bago binaril ng suspek ang biktima.

Matapos maisakatuaran ng suspek ang pakay, mabilis na tumakas ang salarin habang idineklarang dead on arrival naman sa pagamutan ang binata.

Patuloy na  nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya,para maaresto ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply