Petisyon sa pagsipa kay Lacson, didinggin na

SISIMULAN na ng Ethics committee ng Senado ang petisyon sa pagsipa kay Sen. Panfilo Lacson, hinihinalang utak ng pagpatay kay Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corvito.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na nakatakdang magpulong ang miyembro ng komite sa Enero 18 upang likhain ang organisasyon ng lupon na siyang didinig sa petisyon na pagsipa kay Lacson.

“Magkakaroon muna ng organization meeting sa Enero 18 bago aprubahan ng komite ang susundin na alituntunin na siyang gagamitin naman bilang basehan sa pagdinig laban sa mga inirereklamong senador,” giit ni Cayetano.

Aniya, kailangan simulan kaagad ang pulong ng komite upang tiyakin sa publiko na walang mambabatas na makakaiwas sa batas na siyang inirereklamo ng karamihan na kapag senador, nakakalusot sa anumang kaso.

“Gusto natin na ipaalam sa publiko no one is above the law. Kasi, may impresyon na kapag senador ka, puwede kang makalusot sa kaso. But, the petition filed against Sen. Lacson will be dealt with due process and under the rules,” paliwanag pa niya.

Tiniyak din ni Cayetano na kahit kaalyado siya ni Sen. Manny Villar, ang senador na pinagtulungan nina Lacson at dating Sen. Jamby Madrigal sa C-5 road extension scandal, magiging patas pa rin ang pagdinig niya sa kaso.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply