PH GM Gomez leader sa Vietnam chess

HINDI matinag sa unang puwesto si Filipino GM John Paul Gomez matapos niyang ilampaso si top seed Vietnamese GM Le Quang Liem sa fifth round ng 1st HD Bank Chess Championships kahapon sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Nasa kandili ni NCFP President/Chairman Prospero “Butch” Pichay Jr, ang La Salle Taft ace na nakapagtala ng limang sunod na panalo para makatutok sa top prize $6,000.

Una dito, nanaig ang Biñan, Laguna pride kontra kay dating kapwa lider Chinese GM Zhao Jun sa fourth round, Miyerkules ng gabi.

Naitala naman ni GM Darwin Laylo ang panibagong tabla kontra kay GM Cao Sang ng Vietnam tungo sa 3.5 points gaya nina GM Roland “Kulot” Salvador, IM Oliver Dimakiling at IM Oliver Barbosa.

Si Laylo mula San Roque, Marikina ay draw din kay Tran Thna Tu ng Vietnam sa fourth round habang tinalo naman ni Salvador sina Vo Thanh Ninh ng Vietnam at Lu Yijie ng China sa round 4 at 5, bigo naman ang Davao pride na si Dimakiling kay GM Yu Yangyi ng China at niresbakan naman si WGM Nguyen Thi Thanh An ng Vietnam.

Habang si Taytay, Rizal resident Barbosa ay pinisak sina WIMPham Le Thao Nguyen ng Vietnam at IM Goh Wei Ming ng Singapore ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply