PH hinambalos ng Japan sa Goodwill games

GUMAMIT ng husay ang dayong Hotoku Gakuen High School baseball team mula sa Japan laban sa mga kalabang Pinoy nang manalo sa 3rd Philippine-Japan Goodwill Games sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nabatid na may  kabuuang eight games ang sinabakan ng mga Hapon laban sa apat na local teams.

Ang games ay nilaro sa Kenko rubber ball at leather ball.

Ang two-time All High School meet champion sa Osaka ay nanalo sa apat na laro gamit ang rubberball at sumulong sa 3-1 taglay ang hard leather ball.

Ang De La Salle Zobel-Alabang, Tanauan, Muntinlupa at Ateneo ay napalaban sa mga dayong hapon kung saan tanging ang DLSZ Alabang Colt team ang nagtamo ng panalong 8-3.

Unang nanalo ang Japanese team laban sa La Salle Pony team, 17-0, at nang matalo sa DLSZ Alabang Colt team, nagpatuloy sa pagsulong laban sa Tanauan, 11-1 at 8-2, Muntinlupa, 4-1 at 16-3, at Ateneo 7-0 and 10-0.

“We really didn’t expect to win our games using a leather ball, because this is the first time we played with it. But we came here wanting to show our best and our players really want to win,” wika ni coach Hediki Ogino.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply