PH Patriots at KL Dragons balikatan sa best-of-3 semis

NAKAUMANG sa mahigpit na laban ang AirAsia Philippine Patriots kontra sa Westports Kuala Lumpur Dragons sa pagsisimula ng AirAsia Asean Basketball League (ABL) semi-finals sa Linggo na gaganapin sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dahil sa nalalapit na laban ng Patriots, masusing sinasanay ngayon ni coach Louie Alas ang kanyang mga guwardiya sa mahigpit at epektibong depensa para mapanatili ang dating porma at sigasig na pagtatanggol sa korona.

Kailangan na makontrol ng Patriots ang opensiba ng Dragons dahil dalawang beses silang napasaludo ng Kuala Lumpur dribblers sa tatlong bakbakan sa elimination.

Ipinaalala ni Alas ang huling laro ng Patriots laban sa Satria Muda Britama na sa kabila ng panalo ng mga Pinoy sa overtime 77-74 ay dumaan sila sa masikip na tunggalian at nanganib ang 10 puntos na kalamangan sa last quarter sa malambot na depensa na sinamantala ng mga Indons.

Masusubukan ulit ang galing ng Kuala Lumpur dragons tulad ng dalawang naunang panalo na resulta ng pagsira sa depensa ng mga Pinoy sa pamamagitan ng mga inihandang plays ng mga Pinoy na nirecruit ng Singapore. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply