PH Patriots nasungkit ang no. 2 sa semis

NABUO na ang komposisyon ng AirAsia Asean Basketball League semifinals na binubuo ng Chang Thailand Slammers (11-4), PH Patriots (9-6), Westports Kuala Lumpur Dragons (8-7) at Singapore Slingers (7-8) na aarangkada sa homeground ng top 2 teams sa best-of-3 series.

Ang naging instrumento ay ang pagpapaluhod ng Brunei Barracudas sa Westports Kuala Lumpur Dragons, 87-73 sa Brunei Indoor Stadium. Bago ang magkahiwalay na laro ay magkapantay ang Patriots at ang Dragons sa 8-6 win-loss slate na nakatutok sa Thailand Slammers.

Sa pagsisimula ng best-of-3 semis, makahaharap ng Patriots ang Dragons sa Linggo sa Ynares Sports Arena samantalang susubukan ng 4th placers Singapore Slingers ang Chang Thai Slammers sa Bangkok.

Sa panalo ng RP Team laban sa Britama ay naipamalas ni Steve Thomas ang pinakamaganda niyang laro sa pagtatala ng 21 puntos na dinagdagan ni Gabe Freeman ng 18 at 13 boards habang pumuntos ng 9 si Alex Crisano. RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply