PHL athletes kinakawawa, pondo nauuwi sa mga asungot?

KINAKAWAWA umano ang mga atletang Pinoy hindi lamang ng mga mandarayang dayuhang organizers kundi maging ng mga buwayang opisyal ng palakasan sa bansa.

Kung maraming nagnanais na pumasok sa national team na lumalahok sa mga pandaigdigang palakasan ay marami rin namang gustong kumalas dito.

“Ito’y dahil nakikita na ng mga atleta na para silang timawa sa mata ng mundo sa tuwing lumalahok sila sa mga Asian o international events. Kasi naman, mas malalakas lumamon o masisiba ang mga walang kakuwenta-kuwentang miyembro ng delegasyon,” pagbubunyag ng isang source.

“Binubulsa rin daw ang pondo kaya ang panggastos sa training ng mga atleta ay nagagamit.”

Dagdag-gastos lamang umano ang mga huwad na kasapi ng delegasyon na sumasama kahit na hindi naman lumalaro ang mga ito.

Ang tunay na pakay umano ng mga ito ay pumunta lamang para mamasyal at hindi para mabigyan ng moral support ang mga naglalarong atleta.

Kaya sa halip na mapaglaanan ng mga masasarap na pagkain ang mga atleta ay doon ito napupunta sa mga personalidad na maituturing lamang umanong asungot sa biyahe.

“May mga personalidad na sumasama sa mga Asian events gaya ng SEA Games at Asian Games na gala lamang ang pakay at hindi para suportahan ang national team,” paglalahad ng isang source ng Remate Sports.

Kaya naman, nananawagan ang mga concerned athletes kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na repasuhin ang listahan ng mga sumasama sa delegasyon sa lahat ng sports events sa ibang bansa.

Nagtataka rin ang mga kritiko kung bakit may mga nakakasama umanong wala naman sa listahan, bagay na nagpapalakas ng hinala nila na ang pondo para sa mga manlalaro ay napupunta lamang sa mga ito.

Natuklasan din na ang ginagastos umano sa pagsama ng mga ito ay mula pa rin sa pondo ng National Sports Association (NSAs) na laan lamang para sa mga  PSC.

Naghihinala rin ang kritiko na may mga NSAs na nagsasama ng mga taong hindi naman karapat-dapat na isama sa delegasyon.

Sinasabi rin na ang ginagawa ay dagdag-bawas kung saan tinatanggal ang mga hindi malakas sa opisyal habang ang mga tao nila ay ilalagay sa listahan para makasama umano sa biyahe.

“May mga saling-pusa sila, maaaring ang ilang opisyal ng NSAs ang sangkot sa pagbibitbit ng mga taong ‘di naman kasama dapat sa listahan,” pahayag ng kritiko.

“Ang nangyayari ay pakapalan na lang ng mukha. Kaya nagtatampo ang mga atleta. Tinitipid ang badyet nila tapos may mga taong sumasama na ‘di naman dapat?”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply