Pilipinong guro sa US, uuwing bangkay sa Pinas

ISANG Pilipinong guro sa Estados Unidos na uuwi pa naman sana sa Pilipinas upang makapiling ang ina sa Kapaskuhan ang natagpuang patay sa loob ng kanyang tinitirhang apartment.

Kinilala ang biktima na si Henry Abalayan Acejo, 45, na nagtamo ng maraming saksak sa katawan.

Bandang alas-onse ng gabi ng Disyembre 18, 2010 nang matagpuan ng mga pulis na nakabulgta si Acejo sa may dining area ng kanyang tinutuluyang apartment sa Zona Rio, Tijuana, Baja California, Mexico.

Di pa malaman ng mga awtoridad kung ano ang naging motibo sa krimen, ayon sa ulat ng San Diego Union-Tribune.

Di rin binaggit sa ulat kung may nawala bang kagamitan o pera sa loob ng apartment matapos ang insidente.

Ayon sa kabigan ng biktima na si Ondine Massot, masipag na guro si Acejo at kinagigiliwan ng kanyang mga estudyante.

“He had a great sense of humor, a great love of life, and he loved his work and loved people,” ani Massot na katulad ni Acejo ay isa ring guro sa Mid-City Community College sa San Diego, California.

“He did everything for everybody. He was an angel on Earth,” dagdag pa ni Massot.

“I can’t believe how unreal this seems..I was extremely hurt and I still am. It seems as though it was yesterday that me, Maria, and Wanda were sitting in class talking and Mr. A would “shhhh” us. I’ve learned so much from Mr. Acejo…,” ani Krsiten Paruginog sa isang pakikiramay na ipinahatid sa Facebook page para sa biktima.

(I-click ito upang malaman ang mga papuring natanggap ni Acejo mula sa kanyang mga estudyante.)

Nagdesisyong manirahan si Acejo sa Tijuana dahil mas mura ang bilihin sa nasabing siyudad kaysa sa California, ayon kay Massot.

Dalawa pang eskwelahan ang pinagtrabahuhan ni Acejo sa California – ang South Western College at San Diego State University.

Nagturo ng Filipino language courses at English as second language si Acejo sa nasabing tatlong eskwelahan.

“Acejo’s death is an immense loss to the department, to the College of Arts and Letters and to the university. He was a very popular instructor whose creativity, knowledge, hard work and dedication to his students as a professional were deeply striking,” ayon naman sa San Diego State University.

“His upbeat personality, ubiquitous smile, sense of humor and care for others as a person were extraordinary,” dagdag pa ng unibersidad.

Ilang araw bago ang krimen, nabanggit ni Acejo kay Massot na papadalhan siya ng kanyang kapatid na babae ng US$1,500 upang makauwi siya sa Pilipinas at makapiling ang kanilang 85 taong gulang na ina sa Pasko.

Ang mga labi ni Acejo ay nakatakdang ibalik at ilibing sa Pilipinas.

Anumang tulong upang mapagaan ang mga gastusin sa transportasyon at paglilibing sa biktima ay maaaring maipadala sa Henry Acejo Fund, School of Language and Literature, Southwestern College, 900 Otay Lakes Road, Chula Vista, CA 91910.

Para sa mga kaugnay na balita, i-click ang mga sumusunod:

No motive, suspect in Pinoy professor’s murder

Tijuana neighbors heard professor called for help

Soledad Montes

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply