Pinakasikat na Pinoy car racer, sasabak ulit sa karera

HALO isang taong hindi naglalaro sa mga local competition, sinabi kahapon ni dating car race champion Renan Morales na babalik na siya sa minamahal niyang sports — car racing.

Naging kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Asian Ferrari Challenge Cup noong  2005-2006, muling babalik sa paghawak ng manibela sa Philippine Touring Car Championship ngayong  taon si Morales.

Sa isang interview, sinabi niya na ginagawa na niya ang lahat ng preparasyon upang maging physical at mentally fit siya sa muli niyang pagsali sa car race.

“Of course I missed racing,” ani ng 30-year-old Morales na nagwagi  ng 8 sa 18 international world championships na kanyang nilahukan.

Bilang bahagi ng preparasyon, matagal ng tumatakbo si Morales ng 10 kilometers, lumalangoy ng 1.2 miles sa kanyang rest day at ginawa na niya ang lahat ng sports disciplines na nakalagay sa diksyonaryo upang maging mentally at physically prepared siya sa competition.

Walang duda na isa siyang multi-athlete dahil nangingibabaw siya sa lahat ng sports na kanyang sinalihan at ang pinagkaiba niya sa ibang atleta ay dahil siya ang unang Filipino na nag-eensayo ng aerobatics at jetracing.

Sa Enero 23, ipinagmalaki ni Morales na sasabak siya sa 10k event sa ONE LA SALLE marathon na gaganapin sa SM Mall of Asia.

“Kung papalarin akong manalo ido-donate ko ang prize money sa CARE (Central Luzon Drug Rehabilitation Center).

“I’ve been joining fun runs for a cause, this time I’d like to help out on foundations that rehabilitates alcoholics and drug dependents. Running is part of my preparation for a comeback,” dagdag ng atleta.

Hindi na lumahok si Morales mula ng lumaban ito noong 2009 subalit nahasa pa rin niya ang kanyang talento ng tapusin niya ang six-month program sa Porsche GT3 Cup bilang test driver sa Colorado, USA.

Sa kabila ng hindi madalas na pagsali sa local racing tournament, hawak pa rin ni Morales ang highest winning average kontra sa mga Top 20 racers na may 44.44 percent.

Pangalawa rin siya sa may pinakamaraming panalo (8) at poles (5) Tabla rin siya sa No. 5 sa podium appearances (11) at nanatiling most popular race car driver sa bansa.

“I’m eyeing a return in a different pace this time. I have grown maturely because of my experiences,” ani Morales na una at kaisa-isang Pinoy na nanalo sa touring car championship at super bike ng sabay noong 2005.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply