Pinas ilulublob muli sa utang ni PNoy — Recto

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Ralph Recto na muling malulublob sa kumunoy ng utang ang Pilipinas kung itutuloy ni Pangulong Benigno Aquino III na garantiyahan ng estado ang pondong gagamitin ng pribadong sektor sa Public-Private Partnership program.

Sinabi ni Recto na dapat pakinggan ng Palasyo at malalaking negosyante ang panawagan ng San Miguel Corp. (SMC) na humihikayat sa pamahalaan na huwag garantiyahan ang PPP programs.

Anila, kung magbibigay ng garantiya ang pamahalaan sa pondong gagamitin ng pribadong sektor sa PPP program, mauulit muli ang pagkamali ng nakaraang administrasyon na nagpalublob sa bansa sa utang.

Inihalimbawa ni Recto ang Metro Rail Transit (MRT) system,  na itinayo at pinamahalaan ng pribadong consortium.

Ngunit kalaunan ay binawi ng gobyerno ang operasyon matapos mabigong kumita base sa garantisadong return of investments (ROI).

Sa take o pay provision, obligado ang isang partido na maghatid ng kita mula sa ibang partido o bayaran ang espisipikong halaga kapalit ng biniling produkto.

Sa nakaraang administrasyon, hinihimok ang pribadong pamuhunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng garantiya sa kontraktor na nagtatayo ng big-ticket projects, tuald ng income tax holidays, garantiya sa dayuhang utang at proteksiyon mula sa pagkalugi dulot ng pagbagsak ng palitan ng piso kunpara dolyar.

Sa kaso ng MRT system. Tiniyak sa nagpanukala ng proyekto na mayroon takdang kita kahit hindi tumakbo ang tren o kumita man o hindi.

Kaya’t naalarma si Recto sa pahayag ng economic officials ni Pangulong Aquino hinggil sa posibleng pagbigay ng garantiya sa PPP contractor.

Isinusulong ng Aquino government ang PPP programs nito sa tulong ng pribadong sektor na mamumuhunan sa pangunahing proyekto ng pamahalaan na magpapasigla sa ekonomiya at lumikha ng hanapbuhay. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply