Pinay patay sa chopper crash sa Saudi

ISANG Filipina at apat na iba pang crew member ang nasawi nang mag-crash ang isang helicopter sa southern Riyadh, Saudi Arabia, Biyernes.

Batay sa Arab News, nakilala lamang ang Filipinang nasawi sa kanyang pangalan na Roselle habang nakilala ang iba pa na sina pilot Capt. Khaled Al-Dakhil at First Lt. Mandeel Al-Subaihi, kapwa Saudis; at isang Egyptian doctor na si Amjad Al-Iraqi.

Samantala, hindi pa nabatid kung ano ang dahilan ng pag-crash ng helicopter.

Dinala ng mga Medical choppers  ang mga biktima gamit ang ferry sa iba’t ibang hospital.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply