Pinoy Billard world champion, lulong sa sugal

LULONG at adik diumano sa sugal itong itinuturing na sports hero at two time world billiard champion Ronnie Alcano kaya nanatili itong nabubuhay sa kahirapan.

Ayon sa source, talamak  kung magsugal ng poker itong si Alcano at dito rin niya umano inubos ang mga kinitang pera mula sa mga billiard tournament kung saan siya ang nagkampeon.

Naging 2006 World 9-Ball Champion si Alcano sa tournament na ginanap sa PICC sa Pasay City at nakatanggap  ito ng mahigit P5-M na premyo kasama ang mga insentibo subalit nilustay niya lang umano lahat ang salaping napanalunan sa halos mahigit ilang buwan tuloy-tuloy na  pagsusugal.

Noong  2007 naging hari rin siya ng World 8-Ball at naibulsa rin ang milyones na pampreyo.

Idinagdag pa ng source na matapos makuha ang kanyang premyo ay sugal na poker agad ang inatupag nito kaya naubos rin doon ang kanyang pera.

Ayon sa isang kritiko, bilang isang itinuturing na bayani sa larangan ng sports, dapat ay nabubuhay sila sa marangal na pamumuhay dahil sila mismo ang tinutularan ng mga kabataan.

Matatandaan na naakusahan rin si Alcano sa kasong pangmomolestiya ng kanyang anak, subalit sa bandang huli ay nadismis rin ang kaso.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply