Pinoy boxer nadaya sa Thailand?!

MAGHAHAIN ng reklamo si Filipino boxing manager Aljoe Jaro sa World Boxing Council (WBC) upang iprotesta ang technical decision loss na tinamo ng alagang si Remy Cuambot kay Thai fighter Wanheng Menayothinai sa labang ginanap sa Central Stadium sa Nakhon Phanom, Thailand noong Huwebes, Enero 6.

Ayon kay Jaro, ipinatigil ang laban sa 10th round at idineklarang panalo si undefeated Menayothinai sa pamamagitan ng “technical decision” matapos sabihin ng Thai ring doctor na hindi na pwedeng lumaban si Cuambot dahil sa sugat nito dulot ng accidental clash of heads.

“Remy was dominating the fight and Wanheng was clearly losing and was having difficulty breathing when all of a sudden the doctor stopped the fight,” ayon kay Jaro.”They knew that Remy could knock Wanheng out in the 11th round had they allowed the fight to continue.”

Hindi na umano makayanan ni Wanheng ang mga atake ni Cuambot sa katawan sa huling tatlong rounds at pagod na pagod na ito sa pagpasok ng 10th round.

“Talagang game-plan namin ang atakihin si Wanheng sa katawan dahil namimilipit ito sa sakit kapag tinatamaan sa katawan,” paliwanang ni Jaro.

“Subalit ng pumasok ang doktor sa laro, sumigaw ako ng todo dahil sa kabila na hindi malala ang sugat ni Cuambot ay idineklarang hindi na ito pwedeng magpatuloy sa laban, ginawa lang nila iyon upang masagip si Wanheng na inilalampaso sa harap ng kanilang mga kababayan,” wika ni Jaro.

Si Wanheng (15-0, 4 KO’s) ay inihahanda bilang susunod na champion ng Thailand at ang pagkatalo nito kay Cuambot ang sisira sa tsansa nito para sa world title, dagdag ni Jaro.

“Hihilingin ko sa WBC sa Mexico na rebisahin ang 12-round title bout na ginanap sa Thailand,” giit ni Jaro.

Ayon sa ulat, Thai ang promoter ng laban gayundin ang tatlong judges, referee at doctor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply