Pinoy Brandon ‘The Truth’ Vera sinibak sa UFC

SINIBAK na sa Ultimate Fighting Champion (UFC) si Filipino-American MMA fighter Brandon ‘The Truth’ Vera matapos matalo kay Thiago Silva sa UFC 125.

Bukod kay Vera, binitiwan na rin ng UFC ang mga natalong sina Phil Baroni, Antonio McKee at Marcus Davis.

Uminit ng husto ang ulo ni Vera na ngayon ay nasa ospital at nagpapagaling dahil sa nabaling ilong na natamo sa laban nila ni Silva, matapos matanggap ang desisyon ng management ng UFC.

Ayon sa ulat, ito ang pangatlong diretsong pagkatalo ni Vera sa UFC.

Itinuturing si Vera na isa sa mga top strikers sa UFC gamit ang kanyang Muay Thai technique, subalit sa kabila ng kanyang kaalaman sa wrestling at background sa black jijutsu ay mahina ang Fil-Am kapag napunta ang laban sa ground na nagiging sanhi ng kanyang pagkatalo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply