Pinoy crews hinijack sa Indian Ocean

ISA na namang Cargo ship sakay ang 12 tripulante at di pa mabatid na bilang ng Pinoy crew ang hina-jack sa Indian Ocean.

Ayon sa ulat ng European Union Naval Force (NAV-FOR), inatake ang barkong M/V Beluga Nomination sa hilaga ng Seychelles.

Bukod sa Pinoy crews, sakay din sa naturang barko ang ilang Polish Russian at Ukrainian crew.

Sa ngayon hindi pa  malaman ng awtoridad ang kalagayan ng 12 tripulante ng German cargo vessel na hinijack ng mga pirata.

Ngunit tiniyak ng NavFor na kanilang minomonitor kung nasaan na ngayon ang hinijack na barko. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply