Pinoy pug susuntok sa WBO title

NAKATAKDANG sumagupa si WBO #8 flyweight contender at current WBO Oriental Flyweight Champion Ardin Diale kay reigning WBO flyweight Champion Julio Cesar Miranda sa February 12, 2010 sa Guadalajara, Mexico.

Ito ang pangatlong depensa ni Miranda matapos makuha ang titulo kay Filipino Richie Mepranaum noong June 12, 2010 para sa WBO World Flyweight Title.

Si Diale ay mula sa Sarangani Province at nakabase na ngayon sa Maynila para dito ipagpatuloy ang kanyang karera at makasubok sa world title.

Nabatid na si Diale ay napanalunan ang WBO regional belt laban kay hot prospect Jermie Jabel sa M’lang, South Cotabato sa pamamagitan ng knock-out  noong August 01, 2010 na nagpaangat sa kanya sa world ranking.

Si Miranda, 31, ay may kartadang 34-5-1-27 KOs habang si Diale, 22, ay may record na 14 wins (3 KO), 5 losses (1 KO) at 3 draws.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply